Monday, October 6, 2008

Ang Website at Internet

Ang internet ang isa sa mga bagong kinagigiliwan ngayon ng mga tao hindi lang ng mga estudyante kundi pati na rin ng mga bata at matanda. Maraming mga website ang pwedeng pagpilian na talaga namang tinatangkilik ng mga tao.

Nakapagbibigay sa atin ang internet ng maraming impormasyon. Nagbibigay din ito sa atin ng kasiyahan at libangan. Ang pinakakinagigiliwan ngayon ng mga estudyante ay ang Friendster. Sa Friendster, nakasulat at nakalagay dito ang ating mga kaibigan. Binibigyan tayo nito ng kasiyahan dahil sa pamamagitan nito naaalala at napapadama natin ang ating pagmamahal sa ating mga kaibigan kahit sila ay nasa malayo. Isa pang website ay ang Youtube. Sa Youtube, maaari tayong makanood at magdownload ng mga videos. Kahit anong video ay pwede nating mapanood dito.

Ang iba pang website ay ang Google at Yahoo. Sa dalawang ito naman, makakahanap tayo ng impormasyon at mga datos tungkol sa anumang bagay na ating hahanapin. Makakatulong ito sa atin nang malaki kapag tayo ay nananaliksik tungkol sa ating takadang aralin.

Ilan lang yan sa mga website na pwede mong puntahan sa internet. Marami pang iba na hindi nabanggit. Iba na nga ang panahon ngayon. Umunlad na nga ang ating industriya at teknolohiya. Pero wag sana nating isapawalang bahala at kalimutan ang ating mga sinauna at makalumang kultura. Wag nating kalimutan na ang mga lumang kultura na itinaguyod ng ating mga ninuno ay nakatatak na sa ating kasaysayan. Magtulungan tayong lahat tungo sa isang masaya at maunlad na hinaharap.

No comments: