Friday, October 3, 2008

Mabuti at Masamang Epekto ng Kompyuter

Umuunlad na nga ang ating panahon ngayon. Marami na ang mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, MP3, Mp4, ipod at higit sa lahat kompyuter. Para sa karamihan, ang kompyuter ay isang napakahalagang imbensyon at malaki ang naitutulong nito sa atin. Pero hindi alam ng lahat, bukod sa mga mabuting epekto nito, mayroon din itong masamang epekto.

Unahin na natin ang mabuting epekto. Ang kompyuter ay isang teknolohiyang nagbibigay sa atin ng maraming impormasyon. Halimbawa na lamang, kapag tayo ay mayroong mga projects o kaya ay takdang aralin sa paaralan, mas napapadali tayong maghanap ng mga kasagutan. Hindi na tayo mahihirapan maghanap sa mga libro, ang kompyuter na mismo ang magbibigay sa atin ng sagot. Pangalawa, tumutulong din ang kompyuter para magkaroon tayo ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay sa ibang bansa. Nakakatulong din ng malaki ang kompyuter sa mga negosyo gamit ang internet. Ang kompyuter ang pangunahing dahilan ng mga I.T. students sa pagpili nila sa kanilang kurso.

Sunod naman ay ang mga masamang epekto ng kompyuter. Una na diyan ang problemang naidudulot nito sa mga kabataan. Ang iba ay napapabayaan na ang kanilang pag-aaral dahil sa kompyuter. Naadik ang mga kabataan sa paglalaro ng mga games tulad ng DOTA. Pangalawa, hindi lang oras ang nasasayang, pati na rin ang pera. Winawaldas ng mga estudyante ang kanilang pera sa paglalaro kaysa sa pagkain. Pangatlo at huling masamang dulot ng kompyuter ay ang sakit na pwedeng maidulot nito. Dahil sa tagal na pagkatutok sa kompyuter, hindi maiwasang sumakit ang kanilang ulo o kaya'y pagkahilo.

Lubusan na ngang umuunlad ang teknolohiya ngayon. Pero lagi nating tandaan na hindi puro mabuti ang maidudulot nito. Maari din itong makasama sa atin. Kaya payong kapatid lang, hinay hinay lang sa paggamit at wag nating abusuhin ang mga teknolohiyang ito.